Mayroon akong nais malaman 
Maaari bang magtanong 
Alam mo bang matagal na kitang iniibig 
Matagal na kong naghihintay 
Ngunit mayroon kang ibang minamahal 
Kung kaya't ako'y di mo pinapansin 
Ngunit ganoon pa man nais kong malaman mo 
Ang puso kong ito'y para lang sa iyo 
Nandito ako umiibig sa iyo 
Kahit na nagdurugo ang puso 
Kung sakaling iwanan ka niya 
Huwag kang mag-alala 
May nagmamahal sa iyo 
Nandito ako 

Kung ako ay iyong iibigin 
'Di kailangan ang mangamba 
Pagkat ako ay para mong alipin 
Sa iyo lang wala nang iba 
Mayroon akong nais malaman 
Maaari bang magtanong 
Alam mo bang matagal na kitang iniibig 
Matagal na kong naghihintay 
Nandito ako umiibig sa iyo 
Kahit na nagdurugo ang puso 
Kung sakaling iwanan ka niya 
Huwag kang mag-alala 
May nagmamahal sa iyo 
Nandito ako

Nandito ako umiibig sa iyo 
Kahit na nagdurugo ang puso 
Kung sakaling iwanan ka niya 
Huwag kang mag-alala 
May nagmamahal sa iyo 
Nandito ako 
Nandito Ako